Magkapatid patay sa sunog sa Tondo, Maynila

(UPDATE) Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Tondo Maynila, ngayong Martes (Apr. 30) ng umaga.

Nagsimula ang sunog alas 3:30 ng madaling araw sa bahagi ng Sandico Street sa Brgy. 35  na agad itinaas sa ikalawang alarma.

Matapos maapula ang sunog, natagpuan ang katawan ng magkapatid na magkayakap sa loob ng isang nasunog na bahay.

Kinilala ang magkapatid na sina Fnracine Jagunos, 15 anyos at Hazel Lance Jagunos, 12 anyos.

Alas 4:37 ng umaga nang ideklarang fire out na ang sunog.

Hinihinalang ang naiwang niluluto ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Read more...