200,000 trabaho, alok sa job fair sa Labor Day – DOLE

Aabot sa 200,000 trabaho ang bubuksan sa nationwide job and business fair sa Araw ng Paggawa sa May 1.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, isasagawa ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan job and business fair sa iba’t ibang parte ng bansa sa pagdiriwang ng Labor Day.

Mayroon aniyang local at overseas job na alik ang nasa 1,500 local enterprises at placement agencies para sa mga aplikante.

Ilan sa mga bukas na local job ay customer service representatives, production machine operators, karpintero, security guards, call center agents, microfinance officers, factory workers, at iba pa.

Ayon sa kagawaran, ang overseas jobs naman ay para sa nurses, factory workers, tagalinis, technicians, bakers, nursing aides, food servers, auto repair personnel, service crew, at barista.

Ang mga matatanggap na aplikante ay posibleng magtrabaho sa New Zealand, Saudi Arabia, Germany, Taiwan, Bahrain, United Arab Emirates (UAE), Poland, o Australia depende sa kaniyang location requirements.

Inabisuhan naman ang mga aplikante na magdala ng mga sumusunod:
– kopya ng resume
– 2×2 ID photo
– kopya ng mga training certificate
– PRC license (kung mayroon)
– Certificate of employment

Read more...