P10M reward money para mahuli si Acierto, malaking tulong – PNP

Malaking tulong ang inilaang P10 milyong reward money ng Palasyo ng Malakanyang sa pag-aresto kay dating Police Col. Eduardo Acierto.

Magbibigay ang pamahalaan ng naturang reward sa kung sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Acierto.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac, tuloy ang kanilang manhunt operation para maisilbi ang arrest warrant kay Acierto mayroon mang reward money o wala.

Nahaharap si Acierto sa kaso dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagpasok ng magnetic lifters na naglalaman ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu.

Naglabas na rin ang Manila Regional Trial Court ng hold departure order laban kay Acierto para hindi na ito makalabas ng Pilipinas.

Read more...