1 patay, 6 sugatan sa sunog sa isang condominium sa Parañaque

Patay ang isang 80-anyos na lola habang anim ang sugatan sa sumiklab na sunog sa Pacific Coast condominium sa Parañaque City, araw ng Lunes.

Natagpuan ang katawan ng biktimang si Zenaida Uno mula sa balcony ng ika-21 palapag.

Nahirapang makilala ang biktima dahil matindi ang tinamong sunog sa katawan ng biktima ngunit nakilala ito ng kaniyang kanaak.

Ayon kay Fire Supt. Rober Pacis, fire marshall ng Parañaque, nagsimula ang sunog sa ika-21 palapag nggusali bandang 11:56 ng umaga.

Apektado nito mula ika-18 hanggang ika-23 palapag.

Umabot pa sa general alarm ang sunog at idineklarang fire under control dakong 2:29 ng hapon.

Pansamantalang ipinagbawal ang pagpasok ng mga tenant sa gusali hanggang hindi pa inaanunsiyo ng pamunuan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa sunog.

Read more...