Duterte, magalang pa rin kahit hindi kinikilala ng China ang arbitral ruling sa WPS

Inquirer file photo

Nananatiling respectful o magalang si Pangulong Rodrigo Duterte nang igiit ni Chinese President Xi Jinping na hindi kinikilala ng China ang arbitral ruling sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, patuloy na pinaiiral ng pangulo ang pagiging magalang tuwing may kausap na lider ng bansa.

Nagkaroon ng bilateral meeting sina Duterte at Xi sa China noong April 25 nang dumalo ang punong ehekutibo sa Belt and Road Forum.

Sa kabila ng paggigiit ni Duterte sa kahalagahan ng peace and security sa West Philippine Sea, walang direktang nakuhang tugon ang pangulo mula sa China kung ititigil na ang aggression sa naturang lugar.

Ayon kay Panelo, inilarawan ni Pangulong Duterte na orritants ang aggression ng China sa West Philippine Sea kabilang na ang presensya ng maritime militia sa Pag-asa Island.

Read more...