Palasyo, ikinalungkot ang pagbaba sa puwesto ni Japan Emperor Akihito

Nalulungkot ang Palasyo ng Malakanyang sa pagbaba sa puwesto ni Japanese Emperor Akihito.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, malapit na kaibigan ng Pilipinas si Akihito.

Gayunman, sinabi ni Panelo na nagpasya na si Akihito na bumaba sa trono at wala nang magagawa ang Palasyo kundi igalang ito.

Kumpiyansa aniya ang Palasyo na mananatiling maganda pa rin ang relasyon ng Pilipinas at Japan sa pag-upo sa pwesto ni Crown Prince Naruhito.

Ayon kay Panelo, nalugod si Pangulong Rodrigo Duterte nang makaharap si Akihito at asawa nitong si Emperor Michiko nang bumisita ang punong ehekutibo sa Imperial Palace sa Japan may dalawang taon na ang nakararaan.

Personal pa aniyang ipinaabot ni Pangulong Duterte kay Akihito ang pasasalamat sa tulong na ibinigay ng Japan.

Sa kasalukuyan, aabot sa $9 billion dollars ang investment at aid package ng Japan sa Pilipinas.

Read more...