Mga naiipit na OFW sa Libya, maayos na tinutugunan ng DOLE – Palasyo

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na ‘on top of the situation’ ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa gulo sa Libya.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, may direktiba na si Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III na tiyakin ang kaligtasan ng mga OFW sa Libya.

Tiyak naman aniyang may ayuda na ibibigay ang pamahalaan para sa mga OFW na pipiliing umuwi na lamang sa bansa kaysa manatili sa Libya.

Una rito, sinabi ng DOLE na may inihahanda nang team ang kanilang hanay para ipadala sa Libya para sa repatriation sa mga OFW.

Read more...