Magbibigay ang pamahalaan ng P10 Million na reward sa kung sinuman ang makakapag-turo o makakapagbigay ng impormasyon para mahuli si dating PNP Col. Eduardo Acierto.
Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang nasabing ulat para mahuli si Acierto na isinasangkot sa illegal drug trade.
Nauna dito ay nag-isyu ang Manila Regional Trial Court Branch 35 ng hold departure order laban sa kay Acierto.
May kaugnayan ito sa pagkakasangkot niya sa bilyong pisong halaga ng shabu na naipuslit papasok sa bansa.
Maliban kay Acierto, sakop rin ng HDO ang iba pang personalidad na sangkot sa nasabing drug case ayon kay Justice Undersecretary Mark Perete.
Nauna ditto ay iniutos rin ni Manila Judge Ma. Bernardita Santos kina Acierto, ex-Philippine Drug Enforcement Agency deputy director for administration Ismael Fajardo, dating Customs intelligence agent Jimmy Guban, Chan Yee Wah alias KC Chan alias Fhonie Chan alias Albert Chan alias Chen Fong Hsiang; Zhou Quan alias Zhang Quan alias Zhauq Quan; Vedasto Baraquel, Jr.; Maria Lagrimas Catipan; at Emily Luquingan.
Ang nasabing mga personalidad ay sinampahan ng paglabag sa Section 4 in relation to Sections 28 and 31 ng Dangerous Drugs Law.
Tanging si Guban pa lamang ang nasa kustodiya ng pamahalaan makaraan siyang alisin sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).
Ang nasabing mga personalidad ay isinasangkot sa pagpapasok sa bansa ng dalawang magnetic liferts na naglalaman umano ng P2.4 Billion na shabu sa Manila International Container Port noong buwan ng Agosto.
Noong Marso ay sinabi ni Acierto na sangkot sa illegal drug trade ang dating presidential adviser na si Michael Yang bagay na mariin namang itinanggi ng Malacañang.