NCRPO handa na sa mga rally kaugnay sa Labor Day

Inquirer file photo

Nasa 8,400 pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Labor Day o Araw ng Paggawa sa Mayo a uno.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na isang “sizable secutiry contingent” ang idedeploy para matiyak ang kaayusan at seguridad sa bansa.

Ipatutupad aniya ang maximum tolerance ng mga pulis sa mga ikakasang kilos-protesta.

Dagdag pa ng PNP chief, magpupulong ang PNP Directorial Staff para talakayin ang gagawing paghahanda sa Mayo-a-uno.

Suportado naman aniya ng PNP ang mga mapayapang aktibidad ng mga labor group para idaos ang Araw ng Paggawa.

Read more...