BREAKING: Sunog sa isang residential building sa Parañaque City itinaas sa general alarm

Isang residential building ang nasusunog sa Parañaque City.

Ang nasusunog na gusali ay malapit lamang sa Barangay Tambo.

Ayon sa TextFire, ang nasusunog ay ang Pacific Coast Tower at nagsimula ang apoy alas 11:59 ng umaga.

Agad itong iniakyat sa general alarm.

Sa video na ibinahagi sa Facebook ng user na si Aldin Abler, sa itaas na bahagi ng gusali mayroong ibinubugang maitim at makapal na usok.

Makikita rin sa video na may mga residente pang nasa gusali at hindi pa nakabababa.

Read more...