Naitalang pagyanig sa General Luna, Surigao Del Norte umabot na sa 673 – Phivolcs

Umabot na sa 673 na pagyanig ang naitala ng Phivolcs sa bayan ng General Luna, Surigao del Norte simula nang tumama ang magnitude 5.5 na lindol doon noong Biyernes, April 26.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, maraming maliliit na pagyanig na ang nangyari sa bayan ng General Luna.

Sa panayam ng Radyo Inquirer ay sinabi ni Solidum na binabantayan nila ang posibleng earthquake swarm na nangyayari ngayon sa karagatan ng Surigao.

Dalawa ngayon ang tinitignang posibilidad ng Phivolcs sa nangyayaring sunod-sunod na lindol sa Surigao.

Una ay manatili ang pagkakaroon ng earthquake swarm na maliliit lamang na pagyanig at ang ikalawa ay ang maaring malakas na lindol na maaring magdulot ng tsunami.

Mahalaga ayon kay Solidum na palagiang handa ang publiko sa pagtama ng lindol at tsunami.

Ang mga residente sa coastal communities ay mahalagang regular na nagkakaroon ng pagsasanay.

Read more...