24 na piraso ng mga bala nakumpiska sa isang pasahero sa NAIA-T4

Aabot sa 24 na piraso ng mga bala ang nakumpiska sa isang pasahero sa NAIA Terminal 4 sa Pasay City.

Ayon sa Office for Transportation Security o OTS, ang pasaherong si Omilio Bienvenido Fidel Jr., ay patungo ng Tacloban nang maharang sa Terminal 4.

Ito ay matapos may matuklasan na bala sa kaniyang mga bagahe.

Nang busisiin ang bagahe ay may nakitang 24 na piraso ng live ammunition at magazine na may 6 na bala.

Na-detect ni X-ray operator Darryl Mascariñas sa x-ray screen ang “bullet-like items” kaya agad sinuri ang bag ni Fidel.

Ayon kay Fidel, ang kaniyang misis ang nag-ayos ng kaniyang bagahe at hindi umano niya intensyong madala ang mga bala na pag-aari ng kaniyang kapatid.

Walang naipakitang dokumento si Fidel sa mga dala niyang bala kaya inimbitahan siya sa tanggapan ng PNP Aviation Security Group.

Kinumpiska ang mga bala habang napaalis din naman at nakasakay ng flight si Fidel.

Read more...