Resulta ng tests sa dalawang batang hinihinalang nasawi sa meningococcemia sa Bulacan hinihintay pa

Radyo Inquirer File Photo
Wala pang resulta ang isinagawang pagsusuri sa dalawang bata na hinihinalang nasawi sa meningococcemia sa Bulacan.

Ayon kay Health Undersecretary Eric DOmingo, maaring ngayong araw o bukas lalabas ang resulta ng laboratory tests.

Sa ngayon, tinatrato aniya ng DOH na meningococcemia ang kaso kaya nagpatupad na ng precautionary measures para sa mga nakasalamuha ng dalawa.

Ang mga biktima na edad 3 at 1 ay dinalas a isang pagamutan sa Santa Maria, Bulacan matapos magsuka, makitaan ng rashes, magkaroon ng ubo at lagnat.

Payo naman ng DOH sa mga magulang, huwag ipagsawalang-bahala ang mga ganitong sintomas sakaling makita ito sa mga bata.

Read more...