DPWH tiniyak ang mabusising inspeksyon sa mga school buildings na nilindol

DPWH Photo
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Department of Education o DepEd para sa pagbabalik ng mga klase sa mga paaralang naapektuhan ng nakalipas na mga lindol.

Ayon kay Public Works Sec. Mark Villar, mayroon nang Equipment Prepositioning at Mobilization Contingency Plan ang kagawaran para sa maayos at mas epektibong pagresponde nito sakaling tumama sa Mega Manila ang tinatawag na “The Big One”.

Inaasahan din na ang bawat DPWH Regional at District Engineering Offices nito ay may mga nakatalaga nang Quick Response Teams na handa sa panahon ng kalamidad.

Samantala, batay sa ulat ng DPWH-NCR, tatlo mula sa 275 tulay ang nainspeksyon na ng kanilang mga tauhan kabilang dito ang Guadalupe Bridge sa Makati City na mayroong minor crack sa girder; gayundin ang Tinejeros at Tanza Bridge sa Malabon City na mayroon ding mga minor cracks sa railings.

Ayon sa DPWH, ang Guadalupe Bridge ay nakatakda na rin namang isailalim sa major retrofitting sa ilailim ng DPWH Unified Project Management Office, habang ang Tanza Bridge ay isasailalim naman sa second stage ng inspection.

Hindi naman nangangailangan pa ng immediate repair ang mga railing ng Tinejeros Bridge.

Kabuuang 53 school buildings naman sa Metro Manila nagtamo ng mga minor defects pero tatlong school buildings ang inirekomenta nd DPWH na maisailalim sa agarang structural evaluation.

Read more...