Avengers: Endgame kumita ng $1.2B sa global debut

Winasak ng Avengers: Endgame ang rekord ng sa box office matapos makapagtala ng $1.2 billion na ticket sales sa global debut.

Ayon sa Walt Disney, sa Amerika, $350 million ang kinita ng Endgame sa US at Canada na mayroong largest movie market.

Sa China ($330.5M), Brazil ($26M), at France ($24.2M) nagtala din ng box office record ang Endgame.

Kabilang din ang Pilipinas at iba pang lugar sa Asya sa nakapagtala ng malaking kita sa opening ng pelikula.

Mula noong Miyerkules, hanggang nitong weekend, Sabado at Linggo ay patuloy na pinipilahan ang Endgame sa mga sinehan sa Pilipinas.

Read more...