Jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 aabot sa P144M

Maaring umabot sa P144 million ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 ngayong araw ng Lunes, Apr. 29.

Ang draw para sa Grand Lotto 6/55 ay gagawin Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ito ay makaraang wala pa ring manalo sa P139.5 million jackpot prize sa draw noong Sabado.

Wala kasing nakakuha ng winning number combination na 22-35-16-10-03-32.

Read more...