14 na pagyanig naitala sa General Luna sa Surigao del Norte ngayong umaga

Simula alas 12:00 ng madaling araw ng Lunes, April 29, umabot na sa 14 na pagyanig ang naitala sa General Luna sa Surigao del Norte.

Ang nasabing bilang ay naitala mula 12:34 ng madaling araw hanggang bago mag alas 6:00 ng umaga.

Sa nasabing bilang, 5 pagyanig ang may kalakasan.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– Magnitude 3.7 alas 12:34 ng madaling araw
– Magnitude 3.7 ala 1:06 ng madaling araw
– Magnitude 3.4 ala 1:51 ng madaling araw
– Magnitude 3.1 alas 2:30 ng madaling araw
– Magnitude 3.3 ala 2:37 ng madaling araw

Ang iba pang naitalang pagyanig ay mababa lang ang magnitude na hindi umabot ng magnitude 3.

Magugunitang unang tumama ang magnitude 5.5 na lindol sa General Luna noong Biyernes, Apr. 26 ng hapon.

Read more...