LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, Apr. 29

Patuloy na nababawasan ang water level sa mga dam sa Luzon.

Kahapon, araw ng Linggo, naabot na ng Angat dam ang low level nito.

Ngayong umaga ng April 29, nasa 179.50 meters ang water level ng Angat dam.

Nabawasan pa ito ng .47 meters kumpara sa 179.97 meters na water level kahapon ng umaga.

Wala namang nabawas sa La Mesa dam at nanatili sa 68.45 meters ang water level.

Ang iba pang mga dam sa Luzon gaya ng Ipo, Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya ay pawang nadagdagan ang antas ng tubig.

Habang nabawasan din ang water level ng Pantabangan dam at San Roque dam.

Read more...