Yellow at red alert muling iiral sa Luzon grid ngayong maghapon – NGCP

Muling itinaas ang yellow at red alert sa Luzon grid ngayong maghapon ng Lunes, April 29.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito ay dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.

Ang available capacity para sa Luzon ngayong araw ay 10,830 megawatts habang ang peak demand ay aabot sa 10,371 megawatts.

Ang pag-iral ng yellowa lert ay mula 9:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon, alas 4:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon at alas 6:00 ng gabi hanggang alas 9:00 ng gabi.

Red alert naman ang iiral mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon.

Inabisuhan na ng NGCP ang publiko na maaring magkaroong brownout lalo na sa kasagsagan ng pag-iral ng red alert.

Read more...