Apat patay sa pagbagsak ng construction crane sa anim na sasakyan sa Seattle

AP photo
Patay ang apat na katao kabilang ang isang 1st year college student makaraang bumagsak ang isang construction crane sa mga sasakyan sa Seattle sa Amerika.

Galing ang crane sa isang ginagawang gusali nang ito ay mahulog sa kalsada kung saan maraming sasakyan ang dumaraan.

Isa sa mga nasawi ang nursing student na si Sarah Wong.

Ayon kay Fire Chief Harold Scoggins, ang isa pa sa mga nasawi ay sakay din ng isa pang sasakyang nadaganan ng crane, habang ang dalawa pa ay pawang trabahador ng gusali at nasa crane nang ito ay malaglag.

Anim na sasakyan ang nadaganan ng crane.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung ano ang naging dahilan ng pagbagsak.

Read more...