Nakatakdang isumite ngayong umaga ng TUCP ang petisyon sa Region Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng NCR sa Maynila.
Sa ngayon ay nasa P500 hanggang P537 ang minimum wage rate sa NCR matapos ang P25 na dagdag sahod nuong Nov. 22, 2018.
Sa ilalim ng batas, mayroong isang taong moratorium sa paghahain ng panibagong petisyon para sa wage increase maliban na lamang kung mayroong supervening condition.
Pero ayon sa TUCP, ang kasalukuyang P537 na sweldo para sa mga minimum wage earners sa Metro Manila ay hindi sapat lalo na at nagtataasan ang presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo dahil sa mataas na buwis.