Ayon sa oil industry sources, ang presyo ng diesel at gasolina ay tataas ng P0.70 hanggang P0.80 kada litro.
Ang kerosene o gaas naman ay nakatakdang tumaas ng P0.75 hanggang P0.85 kada litro.
Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad araw ng Martes.
Samantala, simula Mayo 1, tataas ng P0.50 hanggang P1.00 ang kada kilo ng liquified petroleum gas (LPG).
Inaasahang iaanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ngayong araw ang eksaktong taas-presyo sa mga produktong langis at LPG.
MOST READ
LATEST STORIES