Pangulong Duterte: “I know that I will be going to hell”

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay mapupunta sa impyerno kasabay ng paggiit na hindi naman niya ninanais na mapunta sa langit.

Sa talumpati sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2019 sa Davao City, sinabi ng pangulo na mas gugustuhin niyang mapunta sa impyerno basta’t mapigilan niya ang mga nagnanais na mawasak ang bansa.

“Magustuhan mo man ‘yan ang sinabi ko o hindi, hindi ako nagbibiro, talagang hihiritan ko kayo. And the last thing that I will do for my country if I go to hell to burn to eternity, so be it,” ani Duterte.

Iginiit ng pangulo na ayaw niya sa pang-aapi at korapsyon at sinumang mahuli niyang gumagawa nito ay mauuna sa impyerno.

“Ayaw ko nang ganun. I do not want oppression. I do not want corruption. ‘Pag nahuli kita nang ganun, mauuna ka sa impiyerno talaga. You will go ahead. But I will follow because I know that I will be going to hell,” ayon sa pangulo.

Sinabi naman ng pangulo na hindi niya ambisyong mapunta sa langit dahil baka hindi siya papasukin sa mga pintuan nito.

“It’s all right. Hindi naman tayo mag-ambisyon ng langit lahat eh at mapuno tayo doon. Tapos pagdating mo doon baka hindi ka pa papasukin,” giit ng presidente.

Biro ng pangulo, maaaring abala si San Pedro sa kanyang mga manok.

“Alam mo si San Pedro, busy masyado ‘yan sa kanyang manukan. ‘Yung manok diyan nandiyan sa ano, sa gate, sige himas,” biro ni Duterte.

Read more...