Sa talumpati sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2019 sa Davao City, sinabi ng pangulo na kailangan ng bansa ang pagtaguyod ng mga kabataan sa kanilang mga karapatan.
“The only thing this country needs is for you, young people, to assert your rights,” ayon kay Duterte.
Sinabi ng pangulo na ang paggiit sa karapatan ay hindi naman kinakailangang mauwi sa gulo.
Hinikayat ng punong ehekutibo ang mga biktima ng mga krimen tulad ng korapsyon, hold-up at rape na magsumbong sa kanya sa Malacañang.
“If it’s a case of corruption or niloko ka, isumbong mo sa akin. I will open the gates of Malacañang day and night. Kapag hinold-up o ginalaw ka, isumbong mo,” ayon sa pangulo.
Sinabi pa ni Duterte na ayaw niya sa pang-aapi at mapupunta sa impyerno ang mga gagawa nito.
Samantala, iginiit din ng presidente na ang kahalagahan ng disiplina sa sarili at pagmamahal sa bayan ay matutunan dapat ng mga kalahok sa Palarong Pambansa.