Nakilala ang mga suspek na sina Jamaluddin Pangandaman at Ediamin Maniri na napag-alamang mag-tiyuhin at kapwa residente ng lungsod.
Positibong nakabili ang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng shabu mula sa mga suspek.
Nakuha sa mga ito ang dalawang pakete at dalawang maliit na sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 na buy bust money at isang sasakyan.
Tinatayang may bigat na 50 gramo ang droga at nagkakahalaga ng P340,000.
Mahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES