Operasyon ng Uber at Grab taxi dapat kasama sa TRO ng Korte ayon sa Stop and Go Coalition

uber-grabcar-1204
Inquirer File Photo

Nanindigan ang abogado ng Stop and Go Coalition na dapat kasama sa inilabas na Temporary Restraining Order ang kasalukuyang operasyon ng Uber at Grab taxi.

Sa pagdinig ng Quezon City Regional Trial Court Branch 217, sinabi ni Atty. David Erro na imposible na hindi kasama ang kasalukuyang operasyon ng uber at grab dahil ito ang dahilan kung sila nagpasaklolo sa korte.

Sinabi ni Erro na imposible para sa kanyang kliyente na humingi ng TRO para sa mga future operations.

Nilinaw nito na ang kanilang nais i-TRO ay ang mismong Department Order ng DOTC kung saan pinapayagan ang operasyon ng Uber at Grab.

Samantala nagpahayag naman ng pagkadismaya si Jun Magno, tagapangulo ng Stop and Go Coalition sa naging paglilinaw ni Judge Santiago Arenas na hindi kasama sa TRO ang kasalukuyang operasyon ng grab at uber dahil ang nais nila ay maipahinto ito dahil naapektuhan ang kabuhayan ng mga ordinaryong taxi driver.

Read more...