Ilang bahagi ng NAIA Expressway sarado mula ngayong araw hanggang Miyerkules

INQUIRER Photo

Isasara sa mga motorista ang ilang bahagi ng NAIA Expressway (NAIAX) simula ngayong Lunes, Abril 29, hanggang Miyerkules, Mayo 1.

Ito ay para sa isasagawang maintenance work sa expressway.

Sa abiso ng Skyway O&M Corp. (SOMCO), ang NAIAX patungong G. Puyat Avenue(Buendia), Amorsolo, Don Bosco at EDSA ay sarado mula mamayang alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw, bukas, araw ng Martes.

Sarado naman mula alas-10:00 ng gabi ng Martes (Abril 30) hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Miyerkules (Mayo 1) ang bahagi ng NAIAX na patungong Bicutan, Sucat, Alabang at South Luzon Expressway (SLEX).

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa Sales Road bilang alternatibong ruta.

Read more...