Nag-anunsiyo ang Cebu Pacific ang kanselasyon ng ilang flight mula ngayong araw ng Linggo, April 28, hanggang sa araw ng Martes, April 30.
Ayon sa airline company, nakararanas sila ng pagkaantala sa operasyon kung saan nagkakaroon ng delay at kanselasyon ang biyahe ng kanilang mga pasahero sa mga nakalipas na araw.
Dahil dito, kakanselahin ang ilang biyahe para makapaglaan ng mas mahabang panahon sa kanilang operational recovery at mabawasan ang pag-delay ng mga flight.
Narito ang listahan ng mga apektadong biyahe:
April 28 (Linggo):
– 5J325 Manila-Legazpi
– 5J326 Legazpi-Manila
– 5J655 Manila-Tacloban-Manila
– 5J656 Tacloban-Manila
– 5J979 Manila-Davao
– 5J980 Davao-Manila
– 5J471 Manila-Bacolod
– 5J472 Bacolod-Manila
– 5J861 Manila-Zamboanga
– 5J862 Zamboanga-Manila
– 5J467 Manila-Iloilo
– 5J468 Iloilo-Manila
– 5J631 Manila-Dumaguete
– 5J632 Dumaguete-Manila
– 5J395 Manila-Cagayan de Oro (Laguindingan)
– 5J396 Cagayan de Oro (Laguindingan)-Manila
April 29 (Lunes):
– DG6657 Cebu-Zamboanga
– DG6989 Zamboanga-Tawi-Tawi
– DG6990 Tawi-Tawi-Zamboanga
– DG6658 Zamboanga-Cebu
– 5J791 Manila-Butuan
– 5J792 Butuan-Manila
– 5J705 Manila-Dipolog
– 5J706 Dipolog-Manila
– DG6503 Manila-Cebu
– DG6504 Cebu-Manila
– 5J991 Manila-General Santos
– 5J992 General Santos-Manila
– 5J641 Manila-Puerto Princesa
– 5J642 Puerto Princesa-Manila
April 30 (Martes):
– DG6416 Cebu-Iloilo
– DG6417 Iloilo-Cebu
– DG6573 Cebu-Tacloban
– DG6574 Tacloban-Cebu
– DG6603 Cebu-Dipolog
– DG6604 Dipolog-Cebu
– 5J781 Manila-Ozamiz
– 5J782 Ozamiz-Manila
– 5J551 Manila-Cebu
– 5J552 Cebu-Manila
– 5J373 Manila-Roxas
– 5J374 Roxas-Manila
– 5J513 Manila-San Jose
– 5J514 San Jose-Manila
Ayon sa Cebu Pacific, maaaring magpa-rebook, refund, magbigay ng buong halaga ng ticket sa kanilang travel fund o magpalipat ng biyahe sa ibang paliparan ang mga pasahero ng kanilang flights.
Sinabi pa ng airline company na makatutulong ang kanselasyon ng ilang flight para maayos ang flight timing, mapagbuti ang time performance at mabawasan ang pagkaabala sa mga pasahero.