10 patay, 8 nawawala sa pagbaha sa Indonesia

Umabot na sa 10 katao ang nasawi habang walo ang nawawala matapos bumuhos ang malakas na ulan na nagdulot ng matinding pagbaha at landslides sa Sumatra, Indonesia.

Ayon sa mga otoridad, nasa 12,000 katao ang inilikas dahil sa pagkasira ng daan-daang gusali, tulay at kalsada sa siyam na bayan sa Bengkulu province.

Umabot pa umano ang pagbaha sa ilang kalapit-bayan sa naturang bansa.

Ayon kay Sutopo Purwo Nugroho, tagapagsalita ng national disaster agency, posible pang tumaas ang bilang ng mga apektado ng naturang kalamidad.

Patuloy pa aniya ang kanilang pagkalat ng mga ulat hinggil sa mga nasirang imprastraktura sa lugar.

Hindi rin inalis ni Nugroho ang posibilidad ng landslide at pagbaha pa sa ibang lugar.

Matatandaang noong nakaraang linggo, binaha rin ang Jakarta kung saan dalawa katao ang nasawi habang 2,000 naman ang inilikas.

Read more...