Magkakasunod na pagyanig naitala sa General Luna Surigao del Norte sa maghapon

Phivolcs photo

Naitala ang malalakas na pagyanig sa General Luna, Surigao del Norte araw ng Linggo.

Sa datos ng Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.6 na lindol dakong 1:59 ng hapon.

Matapos ang halos isang oras, tumama naman ang magnitude 4.2 na lindol dakong 2:51 ng hapon.

Kapwa may lalim ang dalawang lindol na 5 kilometers at tectonic ang origin.

Samantala, sinundan pa ito ng magnitude 4.4 na lindol bandang 2:57 ng hapon.

May lalim itong 11 kilometers at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, ito ay aftershocks pa rin ng yumanig na magnitude 5.5 na lindol sa naturang lalawigan noong April 26.

Sinabi pa ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala matapos ang mga pagyanig.

Read more...