Sa 6:00 AM report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa kabuuang P505.9 milyon ang halaga ng nasirang 334 istraktura sa Metro Manila, Ilocos, Central Luzon at Calabarzon.
Sinabi ng NDRRMC na pinakamatinding tinamaan ang Central Luzon kung saan umabot sa P22.6 milyon ang halaga ng sira sa mga eskwelahan habang P200 milyon naman sa mga kalsada at tulay.
Dagdag pa nito, nasa 18 katao ang nasawi, 174 ang nasugatan habang lima pa ang nananatiling nawawala bunsod ng lindol.
Matatandaang isang araw matapos ang lindol sa Zambales ay sinundan pa ng magnitude 6.5 na lindol ang Eastern Samar sa Visayas.
Sinabi naman ng Phivolcs na walang kinalaman ang dalawang pagyanig at hindi rin dahilan ng paggalaw sa West Valley Fault.