Magsasaka, patay sa sunog sa Davao del Sur

Nasawi ang isang magsasaka makaraang matupok ang tinitirhang bahay sa Bansalan, Davao del Sur Sadabo ng gabi.

Ayon may Police Maj. Rodante Varona, natutulog ang biktimang si Bien Rene Mendioro Gallardo, 24-anyos, nang sumiklab ang sunog sa kaniyang bahay sa Purok 5 ng Barangay Eman pasado 11:00 ng gabi.

Galing umanong inuman si Gallardo kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na isa sa mga nakainuman ng biktima ang nakakita ng sunog sa bahay nito.

Agad itong sumigaw ng tulong dahil hindi siya makahanap ng daan papasok sa bahay ng biktima.

Ayon pa kay Varona, paniniwalaang nag-overheat ang naiwang nakasaksak na electric water heater na naging sanhi ng sunog sa lugar.

Read more...