“Avengers: Endgame,” nakapagtala ng multiple records sa box office

Sa unang araw ng showing sa Amerika, inanunsiyo ng Walt Disney Co. na umabot sa $156.7 million ang kita ng pelikula noong Biyernes, April 26

Nahigitan nito ang $119 million-record ng “Star Wars: The Force Awakens” noong 2015 at $106 million ng “Avengers: Infinity War” noong 2018.

Sa labas ng Amerika, nakakuha ng panibagong record ang “Avengers: Endgame” matapos pumalo sa $487 million ang kita hanggang araw ng Biyernes.

Nalagpasan nito ang $443 million-record ng “The Fate of the Furious” noong 2017.

Nasungkit din ng Marvel Comics superhero film ang record para sa highest opening weekend of all time sa buong mundo na may $644 million hanggang sa araw ng Biyernes.

Naunahan nito ang $641 million na record ng “Infinity War.”

Read more...