Mayor Abby Binay at kapatid na si Junjun nagka-initan sa forum sa simbahan

Nagka-initan sina incumbent Makati Mayor Abby Binay at kuya nitong si dating Mayor Junjun Binay dahil sa akusasyon ukol sa pagkamatay ng dating sekretarya ng dating alkalde.

Sa election forum sa isang simbahan sa lungsod ay nainis si Junjun sa sinabi ni Mayor Abby na itigil dapat ng mga kandidato ang pagkakalat ng kasinungalingan habang nangangampanya.

Iginiit ng kasalukuyang alkalde na ang kapatid niya ang nauna at inihayag lamang niya ang kanyang saloobin.

Ito umano ang dahilan kaya biglang nagalit si Junjun sa kapatid habang sila ay magkatabi sa simbahan.

Humingi naman ng paumanhin ang alkalde sa PPCRV na nag-organisa ng forum sa San Ildefonso Parish.

Sa kanyang panig sinabi ni Junjun na sinisigawan siya ng nakababatang kapatid.

Dismayado naman ang ama ng dalawa na si dating Vice Pres. Jojo Binay kaya kakausapin niya ang kanyang mga anak.

Matatandaan na pinatay ang dating aide ni Junjun na si Monette Bernardo magtapos itong barilin ng riding in tandem sa Brgy. Olympia, Makati City.

 

Read more...