Duterte balik bansa na mula sa biyahe sa China

Dumating na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pagdalo nito sa second Belt and Road Forum sa Beijing.

Lumapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo sa Davao City Linggo ng madaling araw.

Bukod sa forum ay nakipag-pulong si Duterte kina Chinese President Xi Jinping at Premier Li Kiqiang.

Sa China ay sinabi ng Pangulo na ginagawa ng Pilipinas ang mga paraan para protektahan ang marine resources.

Napag-usapan din sa bilateral meeting ni Pangulong Duterte kina Xi at Li ang arbitral ruling pabor sa bansa kaugnay ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ay sa gitna ng presensya ng mga barko ng China sa Pag-asa Island na iginiit ng gobyerno na teritoryo ng bansa.

Sa kabila ng pagkakaiba ng posisyon, nagkasundo ang dalawang lider na ituloy ang diplomatikong paraan ng pagtugon sa isyu. (Len)

 

Read more...