Red tide alert nakataas sa 2 bayan sa Pangasinan

Nadetect ang red tide toxins sa karagatang sakop ng mga bayan ng Anda at Bolinao sa Pangasinan, dahilan para magtaas ng alerto ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ipinagbawal ng BFAR ang pagkuha, pagbebenta at pagkain ng shellfish at alamang mula sa naturang mga lugar.

Ayon kay Remely Lachica, senior aquaculturist ng BFAR Ilocos regional office, pinadalahan nila ng red tide advisories ang mga bayan ng Anda at Bolinao araw ng Sabado.

Ito ay matapos makumpirma sa pagsusuri na may red tide ang nasabing mga pagkaing dagat.

Ligtas naman kainin ang isda, pusit at alimango mula sa 2 lugar kailangan lamang na sariwa ang mga ito at hinugasang mabuti.

Payo ng BFAR, dapat tanggalan ng mga lamang-loob ng mga ito bago iluto.

Mayo 2017 nang huling magkaroon ng red tide sa Anda at Bolinao.

 

 

Read more...