2 bata sa Bulacan nasawi dahil sa hinihinalang meningococcemia

Dalawang bata ang nasawi sa Bulacan dahil sa hihinalang nakakahawang sakit na meningococcemia.

Isinugod sa ospital sa Santa Maria, Bulacan ang isang 3 anyos na bata habang isang taong gulang ang isa pa.

Ito ay matapos magpakita ang mga bata ng umanoy mga sintomas ng meningococcemia gaya ng infection kabilang ang pagsusuka, rashes, ubo at lagnat.

Pero nilinaw ng mga otoridad na wala pang confirmatory test para malaman kung meningococcemia nga ang ikinamatay ng mga bata.

Samantala, binigyan ng gamot ang mga kaanak at iba pang katao na nagkarooon ng kontak sa mga bata.

 

Read more...