Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa 821 aftershocks, 108 ang plotted at 10 lang ang naramdaman na nasa pagitan ng magnitude 1.4 hanggang 4.5 at Intensity I hanggang III.
Nasa 18 ang nasawi, 243 ang nasugatan at lima ang nawawala bunsod ng lindol.
Samantala, umabot na sa mahigit P505 million ang halaga ng pinsala sa mga eskwelahan, kalsada at tulay sa mga tinamaang rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, Calabarzon at Metro Manila.
Nasa 1,549 naman ang nasirang mga bahay habang 334 ang mga istraktura at gusali.
Kabuuang P1.6 million na tulong mula sa national at local governments ang naibigay na sa Central Luzon.
Samantala, ang magnitude 5.5 na lindol sa Surigao del Norte ay nagresulta na sa mahigit 200 aftershocks.