Ito ay matapos umakyat sa halos 700 ang kaso ng nakahahawang sakit ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
Ito na ang pinakamataas na bilang ng kaso ng tigdas sa US sa loob ng 25 taon.
“The vaccinations are so important,” ani Trump.
Bumaba ang vaccination rates sa US dahil sa umano’y talamak na misinformation dahilan para magbago ang pananaw ng mga magulang sa bakuna.
Ang pahayag ni Trump ay matapos isailalim sa quarantine ang daan-daang estudyante at staff ng dalawang unibersidad sa Los Angeles, California dahil sa posibleng pagkakahawa sa tigdas.
Samantala taliwas naman ang paghimok ng US President sa mga US citizens na magpabakuna sa kanyang mga naging pahayag taong 2012 at 2015.
Noong 2012, sa isang tweet ay sinabi ni Trump na ang mga bakuna ay nagiging sanhi ng pagdami ng kaso ng autism sa mga bata.