Mga supporters ng Duterte-Marcos at Duterte-Cayetano tandem sumugod sa COMELEC

Supporters ng Duterte-Marcos&Duterte-Cayetano tandem sumugod sa COMELEC

Dalawang grupo ang nagpunta sa COMELEC main office sa Intramuros Maynila.

Magkaiba ang isinisigaw. Sa kaliwa, Duterte-Marcos habang sa kanan naman, Duterte-Cayetano.

Nakasuot ng pula na t-shirt ang mga supporters ni Duterte-Cayetano bitbit ang tarpaulin na may nakasulat na malalaking letra “Duterte’s substitution huwag hadlangan”.

Naka pink naman na t-shirt ang mga supporters ng Duterte-Marcos at nagkainitan pa ang magkabilang kampo na pinaghihiwalay lamang ng maliit na espasyo sa gitna para may pagkakakilanlan ang mga supporters ng Duterte-Marcos at Duterte-Cayetano. Nagkakaroon ng sagutan dito mga supporters ng dalawang kampo kasi hinarangan ng trak itong harap ng supporters ni Duterte-Bongbong.

Habang nakabantay naman sa harap ng main entrance ng COMELEC itong mga tauhan ng MPD at hindi hinahayaang makalapit itong mga supporters.

Bandang alas onse ng umaga inaasahan na magsasadya ng personal si Davao City Rodrigo Duterte para maghain ng kanyang COC.

 

Read more...