MMDA, magpapakalat muli ng mga bisikleta sa Metro Manila

Bike Sharing Program
Inquirer File Photo

Muling bubuhayin ng MMDA ang naunang inilunsad na Bike-Sharing Program bilang alternatibong solusyon para maibsan ang paglala ng polusyon sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Atty Emerson Carlos, 40 na mga bagong mountain bikes ang ipakakalat ng MMDA sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para magamit ng mga pedestrians.

Layunin ng bike-sharing program na isulong na mabawasan ang polusyon sa Metro Manila at mahikayat ang mga pribadong motorista na iwan na ang kanilang mga sasakyan at magbisikleta na lamang papasok sa mga opisina.

Dadalhin ngayon ang mga bisikleta sa mga lugar na may mga naitalagang bike lanes tulad sa Ortigas area patungong White Plains, Temple Drive, at Santolan malapit sa Camp Aguinaldo.

Gayundin sa Rajah Solayman, sa Kalaw, at sa kanto ng Museong Pambata patungo ng Quirino Grandstand sa Manila at sa Ayala patungong Magallanes.

Read more...