Vice Ganda at Anne Curtis magsasama para sa 2019 MMFF entry

Magsasanib-pwersa sina Vice Ganda at Anne Curtis para sa isang pelikula na nakatakda sa 2019 Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Sa tweet ni James Banaag ng ABS-CBN Films, tuloy ang pagsasama nina Vice at Anne para sa isang Pamaskong handog na pelikula.

Ito ay matapos na magkatapat ang dalawa sa nakaraang MMFF.

Noong nakaraang taon ay may kanya-kanyang film fest entry sina Avice at Anne.

Ito ay ang Fantastica ni Vice at ang pelikula namang Aurora para kay Anne.

Pero wala pang inilabas na detalye ukol sa pelikulang pagsasamahan ng dalawang Kapamilya star.

Read more...