Ayon sa NWRB, malapit na ang Angat Dam sa critical level o minimum operating level na 180 meters above the sea.
Hanggang alas 6:00 Biyernes ng gabi, nasa 180.73-meter mark ang lebel ng tubig ng dam.
Apela ng ahensya sa mga mamamayan, makipag-tulungan sa pagtitipid ng tubig dahil hanggang katapusan pa ng taon ang epekto ng mahinang El Niño.
Nakamonitor naman ang otoridad sa water level ng Angat dam at ilan sa nakitang hakbang ang cloud-seeding at paggamit ng mga deep well sa gitna ng pagbagsak ng water supply.
Ang Angat Dam ang pinagkukunan ng 96 percent ng water supply ng buong Metro Manila.