NWRB: Magtipid ng tubig; Angat Dam malapit na sa critical level

By Len Montaño April 27, 2019 - 12:51 AM

Hinimok ng National Water Resources Board (NWRB) ang publiko na magtipid ng tubig dahil posibleng bumagsak ng mas mababa sa operating level ang supply ng tubig sa Angat Dam ngayong weekend.

Ayon sa NWRB, malapit na ang Angat Dam sa critical level o minimum operating level na 180 meters above the sea.

Hanggang alas 6:00 Biyernes ng gabi, nasa 180.73-meter mark ang lebel ng tubig ng dam.

Apela ng ahensya sa mga mamamayan, makipag-tulungan sa pagtitipid ng tubig dahil hanggang katapusan pa ng taon ang epekto ng mahinang El Niño.

Nakamonitor naman ang otoridad sa water level ng Angat dam at ilan sa nakitang hakbang ang cloud-seeding at paggamit ng mga deep well sa gitna ng pagbagsak ng water supply.

Ang Angat Dam ang pinagkukunan ng 96 percent ng water supply ng buong Metro Manila.

TAGS: 180 meters above the sea, 180.73-meter mark, Angat Dam, critical level, El Niño, magtipid ng tubig, minimum operating level, NWRB, water level, Water supply, 180 meters above the sea, 180.73-meter mark, Angat Dam, critical level, El Niño, magtipid ng tubig, minimum operating level, NWRB, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.