Pinay boxer nakasungkit ng gold medal sa Thailand

Nakapag-uwi ang Filipina boxer na si Josie Gabuco ng gintong medalya sa Asian Boxing Championships sa Thailand.

Naungusan ng 32 anyos na Filipino athlete si Kim Hyang Mi mula sa North Korea sa women’s light flyweight final.

Ayon kay Con Abnett, coaching consultant mula sa Australia, talentado si Gabuco at may abilidad na lituhin ang kaniyang kalaban.

Binati naman ni Philippine Olympic Committee head at ABAP president Ricky Vargas ang pagkapanalo ni Gabuco.

Isinagawa ang kompetisyon sa Indoor Stadium sa Hua Mark Sports Complex araw ng Biyernes.

Read more...