Babaeng dadalaw sa nakakulong na mister nahulihan ng droga

Nahulihan ng droga ang isang dalaw ng bilanggo sa Makati City Jail Biyernes ng hapon.

Ayon kay Makati City Jail security searcher Jail Officer 1 Eliza Literal, nakitaan ng droga ang isang alyas “Joan” sa pagdalaw nito sa asawang nakakulong.

Naghinala si Literal sa laman ng pantalon ng babae at nang ipalabas ay nakita ang isang pakete ng ilegal na droga.

Nabatid na nakulong na rin dati ang suspek dahil din sa droga ngunit nakalaya noong 2018.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang babae.

Read more...