Nadiskubre ang katawan ng batang si Justin Parsacala sa kaniyang kwarto sa Belmont Village sa Barangay Pakigne.
Nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Parsacala alas 10:30 ng umaga ng Biyernes, Apr. 26.
Ayon kay Fire Officer 1 Fulbert Navarro, sa bahay ni Engr. Nazario Parsacala, lolo ng bata nagsimula ang apoy.
Sinabi ni Nazario na nagulat na lamang siyang may malaki nang apoy sa kaniyang kwarto.
Sinubukan umano niyang kunin sa kwarto ang apo pero hindi niya mabuksan ang pintuan ng kwarto.
Dahil mabilis ang pagkalat ng apoy wala nang nagawa si Nazario at misis niyang si Virginia kundi ang lumabas ng bahay.
Ang magulang ng bata ay kapwa nasa trabaho nang maganap ang sunog.
Alas 11:45 ng umaga nang ideklarang fire out na ang sunog.
Kapwa dinala sa ospital ang mag-asawa dahil nagtamo silan ng second degree burns sa kanilang katawan.