Lider ng “Highway Boys Group” arestado sa Cainta

Arestado ang hinihinalang lider ng “Highway Boys” o ang notoryus na sindikato ng pagnanakaw, droga at gun-for-hire sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Lt. Col. Alvin Consolacion, hepe ng Cainta police, nahuli si Rolando “Barry” Mercado Jr., 43-anyos, sa buy-bust operation sa tirahan nito sa Barangay San Andres bandang 2:00, Biyernes ng madaling-araw.

Maliban kay Mercado, timbog din ang live-in partner nito na si Jayramie Legaspi, 29-anyos.

Si Mercado ang sinasabing lider ng “Highway Boys” na nagsasagawa ng ilegal na operasyon sa Rizal at Silangang bahagi ng Kalakhang Maynila.

Matagal ng pinaghahanap ng pulisya ang grupo dahil ang “Highway Boys” umano ang responsable sa mga kaso ng murder kung saan binubuhusan ng semento ang bangkay ng mga biktima para itagao.

Nakuha sa bahay ng suspek ang 20 pakete ng hinihinalang shabu.

Noong December 2018, nasawi ang dalawang miyembro ng grupo na sina Richard Santillan at Gessamyn Casing makaraang makaengkwentro ang mga pulis sa Cainta.

Read more...