Vhong Navarro muling lumagda ng kontrata sa Kapamilya network

Vhong Navarro IG

Muling pumirma ng kontrata si Vhong Navarro sa ABS-CBN o Kapamilya network.

Sa isang panayam, sinabi ni Bhong na matagal na niyang hinintay na muling makapirma sa nasabing network dahil alam aniya niyang hindi siya pababayaan nito.

Maliban aniya sa hosting job sa ‘Its Showtime,’ sinabi ni Vhong na magkakaroon pa siya ng karagdagang proyekto.

Excited aniya siyang makita ang mga inilatag na proyekto para sa kaniya.

Pahapyaw pa ni Vhong, dalawang show ang posibleng niyang gawin sa naturang network.

Nakilala si Vhong sa kaniyang aking talento sa pagsasayaw at comedy shows.

Read more...