Nakarating na sa bansa ang walong Pinoy galing Libya na nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan.
Ang walong Filipino ay ilan lamang sa mga nagpasyang umuwi na bunsod ng kaguluhang nagaganap sa Tripoli.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang walong dumating ngayong Biyernes, Apr. 26 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay ang ikatlong batch na ng mga umuwing Pinoy mula Libya.
Patuloy ang pagkumbinsi pa ng embahada ng Pilipinas sa mahigit 1,000 Filipino sa Tripoli na umuwi na muna upang hindi sila madamay sa gulo.
READ NEXT
Konsehal inaresto sa kaso ng pagpatay sa kapwa reelectionist councilor sa Negros Occidental
MOST READ
LATEST STORIES